Hindi ako ganyan talaga mag-aya ng date. Kadalasan, kapag may gusto akong ayain ng date, pasimple ko lang sasabihin na, “Tara, gala tayo!” O kaya naman, “May lakad ka ba bukas? Parang gusto ko manood ng sine eh.” Mga ganyang banat. Hindi direktang pag-aaya ng date. Ang hirap kasi eh. Minsan nakakahiya. Minsan nakakatameme. Mahirap na ma-reject.
Mas madali kasi ‘yung ganung approach para sa akin. Para mas madali matanggap kung tanggihan man ako ng inaaya ko. At kapag pumayag naman ‘yung inaaaya ko, eh ‘di swerte ko lang diba? Tsaka tingin ko, kapag ‘simpleng labas’ o ‘gala’ lang, at hindi ‘date’ ang tawag, mas relaxed ‘yung atmosphere, walang tensyon, wala masyadong ‘pa-pogi’ o ‘pa-impress’ factor. Wala ring masyadong expectations, kumbaga, “No strings attached.” Sa tingin ko kasi, ‘yung ibang babae eh nakikipag-date lang sa mga lalaking gusto nila. Kaya hindi sila makikipag date sa’yo kapag ayaw nila sa’yo. At kapag hindi ka nila gusto, pero lumabas kayo, hindi yun ‘date’ para sakin. Hahahaha. Ang gulo ko no?
Ano nga ba ang pinagkaiba ng ‘date’ at ‘simpleng labas’ o ‘gala’ lang?
(Source: randooomed)