WHOA THERE!

Nakakaasar lang ‘tong feature na ‘to ng Tumblr. Yung kelangang i-limit talaga sa atin yung bilang ng messages na pwede nating i-send. Mas nakakainis kung nasa kalagitnaan na kayo ng pag-uusap, yung tipong sobrang saya na nung pinagkukwentuhan niyo. Tapos saka naman darating si “Whoa There!” para mang-asar at paghintayin tayo ng isang oras bago ipagpatuloy yung pinag-uusapan natin.

Pero ganun talaga siguro. Lahat naman ng bagay may hangganan. Hindi pwedeng ‘unlimited’ ang lahat. Kasi kadalasan, kapag alam nating hindi nauubos o natatapos ang isang bagay, inaabuso lang natin ito. Hindi natin ito binibigyan ng halaga. Binabale-wala lang natin. Tapos kapag nawala na o naubos na, saka lang tayo napapaisip sa halaga nung bagay na sinayang at binale-wala natin.

Post Info
Notes: 13
  1. randooomed reblogged this from randooomed
  2. helloperidol said: Nakakainis lang. Hahahahaha. :((
  3. randooomed posted this