Ramdam na ramdam ko ang LOVE sa office ngayon. Napagkasunduan namin ng teammates ko dati na magbigayan ng valentines gift. Kahit ano lang. Yung iba, may wishlist din, pero yung iba, wala lang.
Yung pillow, heart-shaped candy and Oreo, yan yung nareceive ko. Tapos yung teddy bear naman at flowers, yun ang binigay ko. (Gusto daw kasi nung nabunot ko ng flowers.) Nakakatuwa kasi kahit single man o in a relationship, lahat may natanggap na regalo ngayong Valentine’s Day. Tapos lahat ng girls sa team namin, binigyan din ng rose. Sweet di’ba?


Ikaw, may binigyan ka ba ng regalo, chocolates o bulaklak? O ikaw ang nakatanggap? :)