ALARM.

Mas maaga akong nagising. 6:40am yata yun. Nagtulug-tulugan pa rin ako habang nakayakap sa kanya. Ang bilis ng oras. Alam kong kailangan ko na bumangon ng 7:00 dahil may pasok pa kaming dalawa. 

Hindi nagtagal, nag-alarm na yung phone niya. 7:00 na. Pero pinatay niya agad yung alarm. Tiningnan niya kung nagising ako. Nagpanggap pa rin akong natutulog, at dahan-dahan siyang humarap sakin para i-check kung nagising ako. Tapos hinalikan niya yung noo ko.

Sa isip ko, sana huwag niya nalang akong gisingin. Sana ganito na lang kami buong araw. 

Post Info
Notes: 11
  1. randooomed posted this