Mukha daw akong mabait.

Lagi o kadalasan, yan ang impression sakin ng mga taong nakikilala ko. Kahit sa office, ganyan din ang kadalasang tingin sakin ng mga boss at katrabaho ko. Ewan ko ba. Nakakatuwa, pero minsan, hindi rin maganda.

Kasi naman, may expectation na kaagad sila sa’yo at sa kung anong ugali mo base sa impression nila. Kaya kapag may ginawa kang taliwas sa inaasahan nila, kahit mababaw lang naman, parang nagiging big deal na sa kanila. Nandyan na yung sabihan kang, “Hala! Nagyoyosi ka pala?” May masabi ka lang na hindi maganda, “Ang sama mo pala! Akala ko mabait ka.” Basta mga ganyan.

Kaya kadalasan, kapag yun kaagad ang impression sakin ng mga taong nakakasama ko, pinipilit ko nalang pangatawanan kung ano mang expectation nila. Kahit na sa totoo, ayaw ko. Kahit na masama talaga ugali ko. Kahit na gago talaga ako. 

Ikaw, ano bang impression mo sakin? 

Post Info
Notes: 5
  1. promisethemoon answered: alam mo naisip ko dati na parang dapat “anong impression KO sa’yo” kasi ‘yun ang effect na ni-leave behind mo sa isang tao. ;)
  2. nelheenxolic said: oo kaya. ambait mo super!! <3
  3. randooomed posted this