Takot ka ba sa commitment?

Kapag ba ayaw o takot sa commitment, player na agad? Ayaw magpatali? Hindi marunong magseryoso?

Mas mabuti na siguro yung mga ganung tao. Kasi alam nila na hindi pa sila handa para sa isang commitment. Alam nilang hindi nila kayang ibigay ang buong sarili nila sa isang tao, kaya ayaw muna nilang pumasok sa isang relasyon. Kesa naman sa mga taong kung pumasok sa isang relasyon, o kung makapagpalit ng boyfriend o girlfriend akala mo parang nagpapalit lang ng underwear.

Mas okay na yung mga taong takot sa commitment, kasi kadalasan, sila pa yung mas marunong magpahalaga ng relationships. Sila yung mas nakakaappreciate ng kahalagahan nito at sila pa yung handang magseryoso ng todo, kapag nakita na nila yung taong mamahalin nila. Kapag nakita na nila yung taong mag-aalis ng takot nila sa commitment at relationship.

(Source: randooomed)

Post Info
Notes: 18
  1. randooomed reblogged this from randooomed
  2. marianne-nicolas said: THIS.
  3. ekanmeiduelas said: meron akong kakilala. ayaw niya sa commitment kasi hindi sya malaya. ang sama ng ugali. :| share lang. :)
  4. randooomed posted this