Happy Monday!!!

Tangna. Happy Monday nga. Andaming absent ngayon sa office. Monday pa naman at madaming gagawin. 

Eto ang pinakaayaw ko sa trabaho namin eh. Yung kapag may absent na teacher, ipapasa yung mga students nila sa ibang teachers. Sa ngayon, apat na ang naka-assign sa akin sa sub-classes at 20 minutes ang isang class. Siyempre, iba pa yung regular classes ko. Nakakainis. 

Pero ayos lang naman sakin kung nagkasakit sila, oo may importanteng gagawin kaya hindi sila nakapasok. Nakakaasar lang kasi nakakasira ng schedule. Yung tipong alam mong sa oras na yun, dapat nagpapahinga ka, nagtu-Tumblr, nagmimiryenda, o nakikipag-tsismisan. Pero hindi, ikaw ang nagkaklase para sa kanila. 

Ang saya-saya! 

Post Info
Notes: 6
  1. randooomed posted this