Hello Ran. Kakauwi ko lang. Gusto ko lang sabihin na kahit hindi masyadong malalim ‘tong kung ano man ‘tong meron sa atin, na I do love you. I love you. :*

Past 3am ko na yata nabasa yang text na yan. Akala ko pa naman tinulugan mo na ako. Malungkot akong natulog kagabi kasi hindi ka man lang nagtext hanggang sa nakauwi na ako ng bahay at patulog na. Kung sabagay, hindi ka naman talaga pala-text.

Pero nung nabasa ko ‘yang message mo, bigla akong nagising. Nagising sa kilig at saya. Siyempre, nagreply agad ako sa’yo. Ang tanga ko lang, nakalimutan kong wala na pala akong load. Kung may nagloload lang sana ng ganung oras, at kung bukas pa ang mga tindahan samin sa labas, malamang nagpaload na ako at tinawagan na kita.

Sorry kung pinost ko ‘tong message mo sakin dito. Alam ko namang masyadong kang private at mahiyain. Natuwa lang ako ng sobra. At kinikilig pa rin. 

Post Info
Notes: 12
  1. dorawillgoplaces said: hoy kinikilig ako okay!!!!!!!!! ok ok ok ok ok
  2. beben-eleben said: ayiiiiikeeeeeeeeeeeeee
  3. every-comedy-thing said: isang panibagong kabanata para sayo, Ran. cheers. :)
  4. randooomed posted this