Tatlong araw lang pala.

Tatlong araw lang pala

Ako naging maligaya

Di ko man lang napuna

Tatlong araw ko’y tapos na.

Tanginang earphones ‘yan. Sira na agad?!! Eh nung Sabado ko lang yun binili. Tapos ang mahal pa. P100 lang sana budget ko (Oo, kuripot ako.), pero dahil mukha namang maganda, pumayag na ako sa P150 na bigay ni ateng tindera. Sabi pa niya P200 daw sana yun. Asa naman siya! Kung pumayag ako, e di mas nasasaktan ako ngayon.

Iningatan ko pa naman yun ng sobra. Sinasabit ko na lang sa leeg ko imbis na ilagay sa bag ko kasi baka magkabuhol-buhol lang at masira agad. Hindi gaya nung dati kong earphones na binabarubal ko lang ang paggamit, kasi P100 lang naman yun. Akalain mong tumagal pa sakin ‘yun ng 3 months?! Tapos itong isa na iningatan ko naman, sira na agad? 

Ganun talaga siguro. May mga bagay na hindi nagtatagal, kahit gaano mo pa ingatan. 

Post Info
Notes: 11
  1. randooomed posted this