Bago matapos yung COMBO20 ko kagabi, tinawagan ko siya para sabihin na matatapos na nga, at kung magpapaload pa ba ako pagkatapos. Sabi niya, huwag na daw. Siya na lang daw magloload at magpapa-unli. Nagulat ako! First time niyang gagawin yun sa nakaraang dalawang buwan. Lagi kasing ako yung nagpapaload at tumatawag. Nagrereply naman siya pero hindi ganun kadalas kasi Chikka lang ang ginagamit niya madalas.
Hindi naman ako nagrereklamo sa ganung set-up. Mas gusto ko kasi yung ganun, na ako yung nag-eeffort. Pero siyempre, natuwa ako na nakikita ko sa kanya na gusto niya ring tumbasan yung effort na binnibigay ko samin. Nakakatuwa na naaappreciate niya yung ganun, at natatakot siya na baka isipin kong nagkukulang siya, o wala siyang pakialam.
Pero gaya nga ng sinabi ko, wala naman sakin yun e. Dati ang tingin ko sa relationships, dapat laging give-and-take. Pero naisip ko na give-and-take relationships are never equal, never fair. Ngayon, iniisip ko nalang na mas maganda kung ibibigay mo kung ano ang gusto mo, at kung ano ang kaya mo. Yung magbibigay ka, pero hindi umaasa na sa bawat bigay mo, may makukuha ka pabalik.